local

Bata, Lapnos ang Katawan Nang Buhusan Daw ng Kumukulong Tubig ng Kapitbahay na Naingayan!

Paalala mga kababayan, lagi po nating iingatan at babantayan ang ating mga anak.

Tulong ang panawagan ng isang nanay ng paslit sa Guiginto, Bulacan matapos umanong malapnos ang balat ng kanyang anak na aniya’y binuhusan ng kumukulong tubig ng kanilang kapitbahay, ayon sa ulat ng GMA News.

Paliwanag ng nanay ng batang biktima, kasalukuyan daw na naglalaro noon ang kanyang anak kasama ang iba pang bata nang lapitan ang mga ito ng kapitbahay na suspek at tanungin kung sino ang nag-iingay. Ilang saglit lamang daw ay nagbuhos na ito ng kumukulong tubig na siyang ikinalapnos ng bata.

Umabot umano sa second degree burn sa kaliwang braso at likod ang tinamo ng biktima dulot ng naganap na pambubuhos.

Naidulog na rin daw ng pamilya ng bata sa Women’s Desk ng Philippine National Police ang nabanggit na pangyayari.

Depensa naman ng asawa ng suspek, hindi umano sinasadya ang insidente at ito ay isang aksidente lamang daw. Paliwanag pa niya, nagtapon lang daw ng kumukulong tubig sa bintana ang kanyang asawa at hindi raw nito alam na naroroon ang batang biktima.

Sinubukan din daw nilang aregluhin ito at kinausap ang nanay ng biktima na huwag nang ituloy ang reklamo. Nakiusap din daw umano sila na magbabayad sila sa mga biktima.

Source: GMA News

Leave a Reply