local

Dating Pangulong Duterte: “If I will be judged, it will be a Filipino judge.”

“Kung hahatulan ako, Pilipino ang hahatol sa akin.”

Ganito ang naging tema ng binitiwang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng usapin ukol sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

Nagbigay-pugay si Duterte sa mga labi ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park. Sa isang panayam kay Duterte roon ay nanindigan itong wala umano siyang problema sa ICC.

“I am a Filipino. If I will be prosecuted it will be a prosecutor who is a Filipino. If I will be judged, it will be a Filipino judge. And if I should go to prison, I should go to Muntinlupa. Nobody but nobody else can sa akin. It has to be our or within our jurisdiction,” saad ni Duterte.

“Wala, matanda na ako. I’ve no qualms about going to prison. I’m 77, 80. Ano makuha nila sa akin? I can read to death there inside. So many books to read,” dagdag pa ng dating Pangulo.

Patuloy pa ni Duterte, sa loob daw ng anim na taong panunungkulan niya at pagdalo sa mga pagpupulong para sa bansa, marami umano ang hindi niya nagawa kaya’t gagawin na raw niya ang mga ito.

Samantala, pinili namang huwag magbigay ng komento ni Duterte ukol sa naging pasya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na hindi na mag-rejoin sa ICC.

“I would rather not comment on it actually. I am a civilian, I cannot say anything about it. Tahimik lang muna ako,” saad ni Duterte.

Source: GMA News

Leave a Reply