local

De Lima, Kinondena ang Pag-Aresto kay Walden Bello: “I stand with him, unequivocally, in his current ordeal.”

Isa si dating Senator Atty. Leila de Lima sa mga mariing kumondena sa naganap na pag-aresto ng mga awtoridad kay Laban ng Masa Chairperson Walden Bello. Kilalang aktibista si Bello na dati ring kumandidato sa pagka-Pangalawang Pangulo ng bansa.

Ayon kay De Lima, maituturing umanong ‘pag-abuso’ sa batas ang ginawang pag-aresto kay Bello.

“The arrest of Prof. Walden Bello on cyber liber charges only shows how the strong arm of the law is still abused,” pahayag ni De Lima.

“Then and now, I hold Prof. Walden, an intellectual giant in highest esteem. I stand with him, unequivocally, in his current ordeal. This won’t ever silence him,” dagdag pa ng dating Senadora.

Kasong cyberlibel ang isinampa laban kay Bello ng dating Davao City information officer na si Jefry Tupas. Ito ay kaugnay umano ng reklamo ni Tupas sa akusasyon ni Bello na gumagamit ito at tulak ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, taliwas naman sa pahayag ni De Lima, naglabas din ng kanyang pananaw si SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo Quibolloy hinggil sa nabanggit na isyu.

Saad ni Quiboloy, dapat daw umanong harapin ni Bello ang kanyang pagkakasala.

“Well, itong matandang ito, professor daw ito ‘diba? Pero hindi pumasa ito sa good manners and right conduct, masyado siyang may pagka-brusko ang pag-uugali. Parang hindi naturuan ng kanyang mga magulang noong maliit pa kung ano ang karapat-dapat na pag-uugali lalo na kung nasa publiko siya” ani Quiboloy.

“Ganyan itong mga leftist na NPA na ito eh, itong mga kaakibat ng communist party, ganyan sila. ‘Yan ang maghahari sa atin. So dumating na rin ang panahon na makilala mong may batas sa Pilipinas. Kaya harapin mo ‘yung pagkakasala mo,” dagdag pa ng Pastor.

Pansamantalang nakalaya na si Bello sa Camp Karingal matapos makapagpiyansa ngayong araw, Agosto 9.

Source: News5, Philstar, SMNI News

Leave a Reply