local

DOJ Sec. Remulla Kaugnay ng ‘EJK’ Cases: “Kikilos po kami para mapatupad ang batas.”

Hinikayat ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang publiko na makipagtulungan at magtiwala sa mga kinuukulan ang mga aniya’y naging testigo upang muling buksan ang prosekusyon kaugnay sa mga kaso ng sinasabing ‘nanlaban at napatay’ sa panahon ng implementasyon ng gyera kontra droga.

Ayon kay Remulla, ang kakulangan umano ng testigo ang nagiging suliranin sa pag-usad ng mga nabanggit na kaso.

“We are pursuing these cases but the main problem here is the lack of witnesses. It is easy to file cases but to be successfully prosecuted is another,” saad ni Remulla.

“Lumapit kayo sa amin at magtiwala at di kayo mapapahamak. Kikilos po kami para mapatupad ang batas,” dagdag pa ng DOJ Secretary.

Paliwanag pa ni Remulla, maaari rin daw ilagay sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ ang mga testigo para sa seguridad at kaligtasan ng pamilya ng mga ito.

“Kung meron kayong alam sa nagaganap na krimen maganda na kausapin ninyo kami at maaasahan ninyo kami,” saad ni Remulla.

Global Daily Mirror

Leave a Reply