local

Historian Xiao Chua kay Darryl Yap: “I Will Give My Middle Finger To You.”

Panggitnang daliri raw ang ibibigay ng historyador na si Xiao Chua kay ‘Maid in MalacaƱang’ Director Darryl Yap. Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Yap na hindi umano siya naniniwala na dapat maging propesyon ang pagiging historyador.

“Ano ang tingin ko sa mga historyador? Sa tingin ko, lahat ng tao naman ay historian eh. Sa palagay ko, lahat tayo ay may pinanghahawakan sa kasaysayan, at may iba’t iba tayong tingin sa kasaysayan. Hindi kaya ikulong ng libro, ng panulat, o ng isang historian ang sa palagay mo ay nangyari,” saad ni Yap.

“I don’t believe that historians should be a profession, I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon. Pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal interprtation, ‘yun ang hindi ko matatanggap,” dagdag pa ng kontrobersyal na direktor sa panayam sa kanya ng host na si Boy Abunda.

Samantala, inalmahan naman at kinundena ni Chua ang pahayag na ito ni Yap.

“Being a historian should not be a profession? I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you,” saad ni Chua.

Samantala, sinabi rin ni Yap kay Abunda na bagama’t nagsagawa rin ng research team para sa kanilang pelikula, hindi umano ginamit ang mga nakalap na impormasyon dahil nais daw niyang mapakita ang ‘humanity para sa mga Marcoses.

“Nung umabot kami ng 50 million sa ‘Lenlen’, sinabi ko kay Boss Vic, it’s already 50 million, let’s take these people inside Vivamax. Give me a research team pero Tito Boy, trinash ko lahat ng research. You know why? I don’t want to dwell in it. Ayoko na doon,” saad ni Yap.

“I want humanity for the Marcoses. They’ve been projected to be monsters for the longest time, na parang when you see them, iilag ka,” dagdag pa ng direktor.

Source: Pilipino Star Ngayon, Pilipino Star Ngayon, Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply