local

‘Katips’ Producer na si Atty. Vince Tañada, Balak Daw Kasuhan si Juliana Segovia!

Pinag-uusapan na raw ng legal team ni Atty. Vince Tañada ang mga susunod nilang hakbang hinggil sa karampatang reklamong maaari nilang isampa laban kay Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia.

Ito ay kaugnay ng mga umano’y malisyosong ipino-post ng komedyante sa social media matapos umani ng mga parangal sa 70th FAMAS ang pelikulang ‘Katips’, kung saan mismong si Atty. Tañada ang nagsulat, direktor, producer at bida.

Kamakailan lamang ay makikita sa Facebook post ni Juliana ang kanyang pahayag ukol sa tinawag nitong ‘pelikulang pa-victim na humakot daw ng awards sa FAMAS’. Ganito ang mababasa sa post ng komedyante:

“Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pavictim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo.
Sige na nga… Congrats Haahahaha!
#MAIDinMALACAÑANG”

Ayon kay Atty. Tañada, nag-uusap usap na raw ang kanilang kampo dahil sa mga aniya’y libelous na posts ni Juliana.

“Sana naman po, huwag po tayo mamihasa na hindi totoo lagi ‘yung mga binabalita. Kasi, iyan na tayo nagiging kultura na po tayo ng fake news. Lalong lalo na po ‘yung mga nagpapakalat, ay meron na po talagang imahe na puro peke ang mga ikinakalat na mga balita. Sana po, magkaroon na ng aral ‘yung mga nagpapakalat na ‘yan,” saad ni Tañada.

“In fact, nakikipag-usap na po ako ngayon sa aking…kasi alam n’yo naman po na ako ay abogado din at ang sabi ng aking mga partner dito sa aking law firm, ‘yung ipinalabas na post nitong dating nanalo sa Ms. Q & A na si Juliana ay totoong libelous ano? Talagang ito ay may malicious imputation para makapanira, na hindi naman talaga maganda no? Dahil ang libel ay isang krimen na dapat parusahan. Kaya nag-uusap-usap ang kampo po namin kung ano ang mga susunod na hakbangin dahil hindi po siya tumitigil hanggang sa ngayon. Kaya pag-uusapan po namin ‘yan kasama ng aking mga partners dito sa aming law firm.” dagdag pa ng abogado.

Source: Philippine Star, Balita, Juliana Parizcova Segovia FB Page

Leave a Reply