local

Kilos-Protesta ng mg Rallyista sa SONA ni PBBM, Inabutan ng Malakas Ulan!

Nagkanya-kanyang silong ang ilan sa mga militanteng grupong nagdaraos ng kanilang kilos-protesta sa Commonwealth Avenue sa kanto ng Tandang Sora, Quezon City nang abutin ang mga ito ng malakas na ulan sa gitna ng kanilang isinasagawang aktibidad.

Ngayong araw ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at kasabay nito ay iba’t ibang grupo ang patuloy na nananawagan at naglalabas ng kanilang mga hinaing sa Pangulo sa pamamagitan ng mga programa at rally.

Panawagan ng grupong Kilusang Mayo Uno, dapat umanong patunayan ni Pangulong Marcos ang kanyang sarili.

“Ito ay mga hamon namin na patunayan niya na siya ay hindi si Duterte, patunayan niya na hindi siya another Marcos Sr., at may kakaibang katangian siya na ipatupad at galangin ang kahilingan ng manggagawang Pilipino at ng mamamayang Pilipino,” saad ni Kilusang Mayo Uno chairperson Elmer Labog.

Samantala, ayon naman kay Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes, inaasahan umano nilang tatakayin ni Marcos ang mga usapin ukol sa eknomiya at agrikultura ng bansa, at maging ang isyu tungkol sa ‘human rights’.

Source: Bernadette Reyes Facebook Page, ABS-CBN News, Philstar

Leave a Reply