local

Partnership ng ABS-CBN at TV5, Inalmahan ni Cong. Marcoleta: “Magiging monopoly ito”

“Ang nakikita ko ay parang circumvention ng batas yung gagawin nila na madaliang joint venture between ABS-CBN and TV5.”

Ganito ang naging pananaw ni Cong. Rodante Marcoleta kaugnay ng partnership deal ng ABS-CBN at MediaQuest (TV5).

Ngayong araw ay isinagawa na nga ang contract signing kung saan sinelyuhan ang ‘investment agreement’ sa pagitan ng dalawang istasyon. Makakukuha umano ang Kapamilya Network ng 34.99% ng total voting and outstanding capital stock mula sa Kapatid Network, habang ang MediaQuest naman, na 99.67% ang pagmamay-ari sa TV5, ay makakakuha ng 64.79%, ayon sa ulat ng Balita.

Ayon kay ABS-CBN Chairman Mark Lopez, umaasa umano silang sa pamamagitan ng nasabing partnership ay makapaghahatid sila ng magandang serbisyo sa publiko.

“For ABS, it presents a fantastic platform for us to achieve synergies in production content and talent management as well as maximizing our content delivery. We look forward to be of greater service to the public as we come together in taking TV5 to the next level,” saad ni Lopez.

Ikinatuwa rin ito ni MediaQuest Holdings at PLDT Chairman Manny Pangilinan at aniya, mga programang de-kalidad at serbisyo para sa mga Pilipino ang kanilang adhikain.

“ABS-CBN has always been the leading developer and provider of Filipino-related entertainment content not only in the Philippines but overseas as well. Our companies have always had these cherished values of providing top and quality programs in the service of the Filipino people and together we believe we can achieve this in greater measure and success,” saad ni Pangilinan.

Samantala, nais namang paimbestigahan ni SAGIP Party List Representative Rondante Marcoleta sa Philippine Competition Commision (PCC) at National Telecommunications Commission (NTC) ang nabanggit na joint venture ng dalawang media companies.

“Yung Philippine Competition Commission, hanapan din sila ng parang consent dito…Kailangan malinis na mailatag yan. Dapat kunan muna ng opinyon ang PCC sapagkat yung acquisition or merger or kahit ano pang sabihin nilang partnership, kinakailangan na dumaan,” saad ni Marcoleta.

“TV5 malaki yan, pagkatapos ABS-CBN, mamomonopolize ang industry dito. Wala bang say dito ang Philippine Competition Commission? Hindi naman ganun, kaya nga tayo naglatag ng ganitong agency para tingnan ang lahat ng kapakanan ng mga apektadong sektor. Magiging monopoly ito kung tutuusin mo diba?” dagdag pa ng Kongresista.

Patuloy pa ni Marcoleta, huwag daw sanang magpakatahimik ang NTC sa nasabing usapin.

Source: Balita, Balita

Leave a Reply