local

Pilipinas, Walang Intensiyong Mag-Rejoin sa ICC, Ayon kay PBBM!

Isang linggo matapos ang ginanap na pagpupulong nina Pangulong Ferdinand ‘Bongong’ Marcos sa mga miyembro ng kanyang ‘legal team’ ukol sa usaping ‘War On Drugs’ sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, inihayag ni Marcos na wala umanong intensyon ang Pilipinas na muling mapabilang sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Marcos, may isinasagawang imbestigasyon na sa loob ng bansa kaugnay ng nabanggit na gyera kontra droga. Dagdag pa ng Pangulo, sa katatapos lamang nilang pagpupulong ay masusi nilang tinalakay kung ano ang magiging pinakamabuting desisyon at kasagutan sa ICC sa imbitasyon nito sa bansa.

“The Philippines has no intention of rejoining the ICC,” saad ni Marcos.

“The meeting that we had with the SolGen, the Secretary of the Department of Justice, kasama na rin diyan si Senator Enrile who has become my legal adviser, amongst other, we — yes also si Atty. Harry Roque because he is involved and recognized by the ICC — ang mineeting namin ay dahil sinasabi ngayon na itutuloy ang imbestigasyon,” pagpapatuloy pa ni PBBM.

Sinabi rin ni Marcos na hindi umano sumasailalim ang Pilipinas sa ICC bagama’t pinag-aralan muna raw nilang mabuti ang mga susunod na hakbang sapagka’t ibang uri raw ng korte ang ICC.

“Eh sinasabi naman namin may imbestigasyon naman dito at patuloy rin naman ang imbestigasyon, bakit magkakaroon ng ganoon? If we will respond, if we will not respond, kung ano — kung sakali man sasagot tayo, anong magiging sagot natin; or possible din, basta hindi natin papansinin dahil hindi naman tayo sumasailalim sa kanila,” saad ni Marcos.

“Pero the ICC is a very different kind of a court kaya’t pinag-aralan muna. Sinabi ko pag-aralin niyo munang mabuti ‘yung procedure para tama ‘yung gagawin natin. Kasi hindi natin siyempre kailangan — baka ma-misinterpret ‘yung ating mga ginagawa. Kaya’t liwanagin natin kung ano ba talaga ang dapat gawin, sinong susulat kanino, anong ilalagay sa sulat,” dagdag pa ng Pangulo.

Nauna nang binanggit ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na base sa kanyang opinyon, wala na umanong hurisdikyon ang ICC sa Pilipinas sapagka’t hindi na umano ito myembro ng ICC.

“It’s my opinion that they have no jurisdiction over our country when it comes to these things that they want to investigate because we are any longer members of the ICC,” saad ni Remulla.

“If we are part of the treaty, then we accede to the treaty but we’re not anymore part of it. We’ve withdrawn from it,” dagdag pa ng Justice Secretary.

Source: GMA News, GMA News

Leave a Reply